Ano nga ba ang pasko?At bakit may pasko?
Ang pasko ay padiriwang sa kapanganakan ng Panginoong Hesukristo. Ito ay ipinadiriwang ng mga Kristiyano tuwing ika-25 ng Disyembre taun-taon na kung saan ang nakatradisyunan ng marami ang dumalo sa sampung (10) simbang gabi bilang paghahanda sa Kapaskuhan. Para sa mga Pilipino, pagsapit palang ng buwan ng Setyembre ay ramdam na nila ang 'Spirit of Christmas' at tinatawag na "Ber months". Makikita mo sa bawat bahay ang mga kumukuti-kutitap na mga ilaw, at sa bawat pamilyang nagtutulungan sa pagtatayo ng magagarbo at iba't ibang mga disenyo ng kanilang Christmas Tree at sa Lansangan ay makikita ang mga batang nangagaroling. At hindi papahuli ang mga Pilipino sa pagpapauso, kung saan ipinangalan kay President Mayor Duterte ang isang parol(Duterte Parol). At kung saan nauuso din ang pambansang meryenda tuwing kapaskuhan ang Puto Bumbong at Bibingka. Sikat sa mga pamilyang Pilipino na tuwing Kapaskuhan ang manood ng mga pelikulang tinatampok sa Metro-Manila Film Festival at ang mamasyal sa malalamig na lugar tulad ng Tagaytay at Baguio City. Mga batang namamasko at humihingi ng aguinaldo sa kanilang mga ninong at ninang. Para sa mga Pilipino iyan ang diwa ng pasko.
Ano nga ba ang tunay na diwa ng pasko?
Ito ang diwa ng pagmamahalan at ito ang panahon ng pagbabatian, pagpapatawaran at pagbibigayan.
- "It is a season of joy, love, peace and sharing."
Pagtulong sa kapwa, sa mga nangangailangan ng tulong. Ito ang nais ng ating Panginoong Hesukristo sa kanyang kaarawan na kahit walang maibigay na regalo sa kanilang mga inaanak at mga kamag-anak ay okay lang basta't may pagmamahalan sa isa't isa. Ito ay para sa mga maralitang Pilipino na pinakamagandang tulungan dahil makita mo lang sa kanilang mata at ngiti ay ramdam mo ang tunay na pagmamahalan. Ito ang tunay na diwa ng pasko: Pagmamahalan at Pag ibig sa kapwa. Ito ang gusto iparating ng ating Panginoong Hesukristo na hindi lamang sa Kapaskuhan kundi sa araw araw.
To God be the Glory
No comments:
Post a Comment